Archive for January 2016

MAY DIYOS NAMAN

ni Wilfredo G. Villanueva

Nakasimangot ang mga lolo’t lola ko. Akala kasi nila pa-abante ang bayan, na sa kalaunan, siguro isang daang taon magsimula ng sila ay pumanaw, eh, maganda na ang hinaharap ng mga salinlahi. Hindi pala.

Paano ba naman sila matutuwa kung:
Una, ang matibay na pwesto sa mga survey, eh, ang isang taong hitik na hitik sa mga allegations ng pandarambong. Dati kasi, nakitaan lang daw ng isang ginintuang arinola—isang paninira lang at walang katotohanan—si Presidente Elpidio Quirino, eh, sapat na yun para hindi siya manalo sa re-eleksiyon laban kay Ramon Magsaysay. Ganun katindi ang pagkasuklam ng tao sa korapsyon. Noon yun. Ngayon, tila yata baligtad na ang mundo, mas korap, mas kinagigiliwan ng tao;

Pangalawa, anong kabalbalan ito? Ginawa ni Francis Tolentino at Duterte, yung magpakita ng kalaswaan ng Play Girls at manghila ng babae’t lapirutin sa harap ng madla, maraming nasuklam, akala natin, ‘di na mauulit, ngunit mali tayo. Inulit ni Jonvic Remulla. Kinarga pa, ginawang parang sex toy ang babae na pakiwara ko, eh, nagtititili sa tuwa’t galak. Nasaan na ang dalagang Pilipino na mahinhin at mayumi? At nasaan na ang lalakeng Pilipino na inilalagay sa pedestal ang kababaihan? Tila yata baligtad na ang mundo, mas bastos, mas kerengkeng, mas katawa-tawa’t kinagigiliwan ng tao;

Pangatlo, ang kagilagilalas na si Leni Robredo, na-traffic na sa pangalawa-pangatlo sa mga survey. Kailangan pa bang pag-isipan yun? Abogada na nag serve sa mahihirap. Economist na nag-aral sa UP Diliman. Ina ng tahanan. The other half of the Robredo miracle in public service. Tinatalo ni Bongbong? ‘Di maabutan si Chiz Escudero na makata ang pananalita pero trapong-trapo sa isip at gawa? Tila yata baligtad ang mundo, mas magaling magneobra ng tao, mas magaling magbalasa ng prinsipyo, mas kinagigiliwan ng tao;

Pang-apat, hirap din si Mar. Malagihay ang boses niya sa mga infomercials niya, parang statesman ang dating, pero mabagal ang usad. Tingnan natin kung makatutulong ang endorsement ni Guia Gomez, na hindi raw pinababayaan ni Mar ang San Juan kapag may kalamidad. Kausap ko nga ang isang taxi driver noong isang araw. Mabait siya, kapwa kasi kami Bicolano, pero kinakampanya, ulit, kinakampanya raw niya sa mga kaibigan at kamag-anak niya na huwag iboto si Mar. Kahit daw kasi local government ang may kasalanan kung bakit nabulok ang mga bigas na dapat daw sana ay para sa mga nasalanta sa Tacloban, eh, si Mar pa rin daw ang may kasalanan. Basta daw. Tila yata baligtad ang mundo, mas matindi pa ang kakulangan sa tao, gaya ng pagnakaw, pag-misrepresent at mambastos sa mga institusyon ng bayan, eh, mas kinagigiliwan ng tao, at;

Pang-lima, ano ito, ang isang senador na walang ginawa kundi lokohin ang tao—
Ambush daw, hindi naman; Maka-people power daw, hindi naman;
Maka-Diyos daw, hindi naman kasi nga may chika-babes; May sakit at lulugu-lugo daw, hindi naman

—eh siya pang may ganang halukayin ang nanahimik na isyu ng Mamasapano. Hindi naman sa ayaw natin malaman ang buong katotohanan, pero binabaran na ‘yan ng husto, alam na ng tao kung sino ang nag-utos at ‘di nag-utos, ginawa naman ng administrasyong Aquino ang nararapat gawin para maibsan ang sakit na naramdaman ng mga naulila, ipinakita na ito ay battlefield circumstance—fog of war o kalituhan ng digmaan—at focus on objective—Marwan at BBL. Matagumpay ang misyon, napakalaki ng epekto sa war against terror, pero ginagawang issue na paulit-ulit laban sa Pangulong Aquino, para pabagsakin siya. Tila yata baligtad ang mundo, yung maraming kasalanan sa tao, mas pinapanigan at dinidinig yata ng tao, o media lang?

Nasaan ang kabayanihan kung kailangang-kailangan? Nasaan ang kagandahang asal, ang respeto sa babae, ang paggalang sa awtoridad na ginagawa naman ang tama, bayan bago sarili, dalisay sa mata ng Diyos at tao?
Pero, teka, huwag natin tuldukan itong artikulong ito sa kawalan ng pag-asa. Marami din namang pagbabago, na sa tingin ng marami ay hudyat para angkinin natin ang magandang kinabukasan:

Isa, buhay na buhay ang mga tao sa social media laban sa kasamaan. Sa aking small circle of friends, maraming dati ay tahimik lang, eh, nangangalit na rin sa mga gawaing Binay, Poe at Duterte. Paisa-isa nga lang, pero dati kasi zero, ngayon namumulaklak at namumunga na. At maraming consistent sa paglaban, mga keyboard warriors, sila Cynthia Patag, Mary Grace Gonzales, Ramon Bautista, Jim Paredes, Leah Navarro, Irineo Salazar, ang Netcab (Netizens Coalition Against Binay), at marami pang iba. 
May good news nga ako. Ang isang kaibigan ko na anti-PNoy ang pakiwari ko, ‘lam nyo ba, sa huling pagkikita naman, eh, PNoy, Ro-Ro daw siya? Epekto ito ng walang humpay na paglaban ng mabubuting tao sa mga troll, walang magawa, basta galit lang sa yellowtards daw. Malakas ang kabila, pero determinado rin ang mga keyboard warriors na patumbahin ang consciousness na wala na tayong magagawa diyan, mananalo talaga ang kadiliman, itiklop na natin ang dilaw na tabing;
Pangalawa, halos magkakakilala na ang mga mabubuting tao. Alam na ang next move. Palagi kasing buhay ang networks of friends sa Facebook, mga blog katulad nito—The Society of Honor—at ng Rappler, kung baga, well-oiled na ang makinarya para sa paglaban at pagtaguyod ng tama. Walang kaduda-duda na malapit na naman tayo sa critical mass, tipping point o puno na ang balde, katulad ng pagtawag ni Cardinal Sin sa EDSA, handa na ang tao. Ang pic ni Binay na nakatawang parang nakaisa, ang reopening of the Mamasapano Senate hearings ang maguudyok sa tao para magpakita na puputok na ang bulkan, may kaakibat na kidlat, kulog at lindol.
Pangatlo, nakaposisyon na rin ang simbahan at ang Armed Forces of the Philippines. Dapat lang na neutral sila, pero dapat din malaman ng masasama na hindi papayag ang dalawang elementong ito sa pagyurak ng mga institusyon, ng konstitusyon, ng tamang asal—galit sa korap, magnanakaw, lantakan sa pagsisinungaling.

Pang-apat, maganda ang nakikita ng tao sa Ro-Ro team. Professionally handled ang campaign. Malakas lang talaga ang ugong sa ginawa o ‘di ginawa ni Mar sa Tacloban. Bagito si Leni Robredo sa larong ito, pero mukhang palaban ang ale. Si Mar naman, parang nag-reinvent ng bahagya. Tila mataas ang pinanggagalingan, moral ascendancy o angat sa matuwid na kaugalian ang habol na imahe. Nakatutuwa ang passion ni Leni, at hindi siya tatahimik na lang kung may kailangan sabihin o sagutin. Proactive din siya dahil sa kanyang mga outreach. Tila pinagsamang Magsaysay at Cory. Si Mar Roxas at Leni Robredo naman ang dapat manalo, pero the position is still up for grabs hanggang sa huling yugto ng kampanya, kasi nga malaki ang nakataya:

Babalik ba ang maka-Marcos?
Okay lang ba ang may corruption allegations kahit na maski sino’ng tanungin mo, eh, guilty beyond reasonable doubt, gawa nang ayaw naman sagutin ang mga paratang?
Kung maliit na tao pwede bang patayin nang walang isip-isip, pero kung malaking tao, dapat may due process?
Pwede ka na bang maging presidente dahil idolo ng marami ang tatay mo sa sine?
Hindi pa naman talo. Marami pang mangyayari. Andyan ang nagbabadyang disqualification ni Grace Poe at ni Rody Duterte. Pero kahit na ma-clear pa rin sila ng Comelec o ng Supreme Court to run for presidency, kailangan pa rin talagang paghandaan.
Nakakabagabag din, para kang inilaglag sa gitna ng karagatan, malayo sa pampang, kailangan lang huwag masindak sa matataas na alon, relax (cool lang parang Mar at Leni) to conserve energy at para hindi lumubog, focus and enjoy the swim to shore. May Diyos naman. ‘Di niya pababayaan ang mababait na tao.

Sana naman mapangiti na rin ang mga lolo’t lola ko.

Leave a comment

My New Normal

I now find myself in the new normal year of 2016. Like the original New Normal TV series in the US, the year 2016 echoes a frightening reality. There is no such possibility as going back to normal times. What with the tumultous pre-campaign word war and tabloid media where certain quarters are entertaining the possibility of resurrecting the horrors of martial law, the threat of terrorism, the subtle creeping invasion of China, the escalating traffic mess, population explosion, divorce, same sex marriage, etc.- all happening in my progressively sensitive senior years.

Added to these, I am now unable to send my thoughts to my contemporaries, friends and relatives. Gmail has branded my email messages as spam and has therefore blocked and bounced my bulk mail. So, I have temporarily stopped writing blogs waiting for feedback from my favorite email recipients. Unfortunately, I got very few queries.

I am now in the process of trimming my emailing list, maintaining those who showed concern and some interest. I need to keep writing to exercise and stimulate my brain cells to keep them from shrivelling.

Part of my realization for the new normal is that time marches on unempeded and determines my chronological age. My biological age is determined by my health conditions and can therefore slow down plummeting chronological age. Psychological age also hinders or accelerates aging and is determined by how old I feel I am. While we don't have control over chronological age, we can take care of our health with good diet, exercise and a cheerful mental outlook. A positive attitude and optimistic thinking can reverse the third psychological age – an age that is greatly enhanced and affected by one’s self-esteem.

Apart from deep Faith, the most relaxing and recreating forces are healthy and religious attitudes, good sleep, music and laughter. But our secret should be on the internal satisfaction and happiness we derive by knowing in conscience that we are doing our utmost to ensure that our grandchildren and greatgrandchildren will inherit a country that is better than what we inherited from our ancestors. 

Leave a comment

Search

Swedish Greys - a WordPress theme from Nordic Themepark. Converted by LiteThemes.com.